BLOGGER TEMPLATES - TWITTER BACKGROUNDS

Thursday, September 22, 2011

Para kay Papa





Kastilyo,Haliging Buhangin
I

Iginawa ako ng mahal kong ama
ng isang kastilyong kahanga- hanga.
Ang kastilyong yao'y gawa sa buhangin
ngunit kahit pa man, kay gara sa tingin!
Haligi nitoy iyong pupurin,,.
II
Ang mga buhangi’y kasing linis ng langit
Nag mamalaki sa bawat lalapit
Nakahit buhangiy kayang tumindig
Kayang pagtibayin ang kastilyong yao’n
Kaya buong pag hanga aking ipinagkaloob
III
Sa lahat ng taoy aking ipinagmalaki
Ang kastilyong iyon na may matibay na haligi
Walang nangahas ni salingin o sirain
Dahil ang haligi nito ay lumalaban sa sutil
Kaya tumayog ang aking paghanga sa kastilyong likha ng mahal kong ama
IV
Sa bawat hilahil na aking tinatahak
Natatanging katibayan nito
Yaring gabay sa lahat
Itinuring kong pinaka malipit
Sa lahat ng bagay na biyaya ng Maykapal




V
Hanggang sa ako ay mamulat
Sa iskwelahan kung saan ililinang
Yaring kaisipan
Lahat ng dunong yaoy napanday
Ngunit  natatanging bayani ko yaong haligi buhangin kong mahal
VI
Labis kong inibig
Labis na pag hanga,
lagging saludo sa kakayahan niya
nabubuhay ng payapa
dahil sa kanya
VII
Ngunit Sa pag tanda ng panhon
Akala ko naroon parin siya
Tulad ng dati nagyayabang,
Ang magarang kastilyong buhangin
Na may haliging anking pagkapitagana
VIII
Bumulong ang naghihinagpis na hangin
Nagagalit ang dumadagundong na kulog
Tila nagagalit na apoy ang kidlat sa langit
At bumuhos ang nag uunahang tubig ng ulan
IX
Napakaraming tanong sa aking isipan
At hanggang ngaun hinahanap ko ang kasagutan
Nasaan na ang haliging aking hinahangaan?
Nasan na ang marangyang kastilyong
Kinaiinggitan ng karamihan?
  
X
Paano ang pangarap kong
Sayo ko lamang ibinulong?
Nasan na ang iyong katapanga?
o haliging aking pinapipitagan?
At bakit mo hinayaang masira ang karangyaan?
XI
Akoy nangangapa na sa aking daraanan
Napakahirap, npakasakit
Paano ko malalagpasan?
Ang akin palang hinahangaay
May kahinaan ding tinatagla
XII
Ama kong haligi ng tahanan
Sana ikay muling mag magtibay
Nasaan ka na?
ako ay nag hihintay
Na muling itoyo ang kastiyong marangya
At muling mangarap at mamuhay ng payapa


















  







0 comments: