BLOGGER TEMPLATES - TWITTER BACKGROUNDS

Thursday, September 22, 2011




butil ng palay
bawat butil ng palay ay butil ng pawis
ng bawat aliping, aping magbubukid
bawat butil ng palay ay butil ng luha
ng kayraming inang natali sa lupa
bawat butil ng palay ay butil ng dugo
kalansay at bungo ng ating ninuno

butil ng pawis, ng luha, at dugo
butil ng palay, butil ng ginto
bawat butil ng palay, sanggol na walang malay
hindi pa man isinisilang nakasanla na ang buhay
bawat butil ng palay ay isang magsasaka
nakasuga sa lupa ang kanyang hininga

bawat butil ng palay ay butil ng dugo
kalansay at bungo ng ating ninuno
butil ng pawis, ng luha at dugo
butil ng palay, butil ng ginto
bawat butil ng palay ay butil ng buhay

butil ng pagasang sumibol sa parang
bawat butil ng palay ay isang magbubuikid
nagbibigay buhay sa buong daigdig
bawat butil ng pawis, ng luha, at dugo
butil ng palay, butil ng ginto








0 comments: